Saturday, October 25, 2008

Claudine at Angel, Magkaaway!

Magugulantang ka talaga sa mga intrigang nakakaloka at talaga namang nakakaiyak. Itong palang si Angel na co-endorser nang Folded ang Hung (F&H) nang lola nyong si Claudine ay hindi nakasipot sa Folded and Hung (F&H) Fashion show na ginanap sa A Venue sa Makati nung October 23. Lalo tuloy uminit ang issue na kinikimkim parin nang bawat isa ang dati na nilang tampuhan at tarayan.

Nilinaw naman ni Angel at Claudine na hindi ito tungkol sa issue na anilaý matagal nang naayos kundi dahil sa mahigpit na schedule nang lola nyong Angel. Nakapagtataka lang kung bakit sa nasabi pang date hindi pwedeng rumampa si Angel to think eh Ikasampung Taon itong anibersaryo nang pagkakatatag nang F&H. Mapapaisip ka talaga diba?

Pero ganun paman, ok naman daw ang relasyon nang dalawang artista. Hindi nga lang talaga daw makadalaw ang dalagang si Angel dahil nag sho-shooting daw sa pelikula nila ni Piolo na Land Down Under na maaring ipalabas sa huling linggo nang buwan nang Nobyembre.

Nakaka excite naman at hangga ngayun ay hindi mamatay matay ang tambalan nang lolo nyong si Piolo at Angel. Kasabay nito ay ang paglabas na nang issue na hiwalay narin sila ni Luis Manzano na anak ni Ate Vi. O diba? Pero pinabulaanan ito ni Angel at sinabing OK naman daw silang dalawa. Nakakaloka di ba? Yung parang kinontra ko nalang nang kinontra ang sarili ko? hehehe! :D Yun lang!

1 comments:

Anonymous said...

i like reading your blog...it's like reading the entertainment section of a newspaper...very nice =)


Free Blogger Templates by Isnaini Dot Com and Architecture. Powered by Blogger