Saturday, December 6, 2008

Pacquiao Go Go Go!

Ngayun pala ang labanang The Dream Match nina Manny "Pacman" Pacquaio at Oscar De la Hopya este Dela Hoya. Tinaguriang "karnabal" nga raw nang taon ang labang ito dahil mula sa 106 eh umabot sa 146 ang timbang ni Pacman para lang labanan ang tinaguriang berdugo nang boxing ring na si De la Hoya. Kinakabahan na ang buong sanlibutan sa magaganap na kuningan este ratsadahan nang mga ate natin sa boxing ring wehehehe!

Sana lang eh hindi ibinenta nang bawat isa ang laban dahil tumataginting na $100 million USD ang premyo! Mantakin mo kung magkano yun sa peso! :D Pero ganun pa man, sana lang e manalo si Pacquiao dahil baka ito na ang katapusan nang kanyang boxing karir kung mabugbog sya nang bonggang bongga ni Dela Hopya aka dela hoya :(

Abangan nalang natin kung sino ang magwawagi sa kanilang dalawa. :D yun lang! :D

Friday, December 5, 2008

Moymoy Palaboy: Bubble Gang Iyotube Guys

Matakot kayo sa video na to. Di ko kinaya. Kala ko naman kasi ano. Pero nakakatawa nang sobra. Pagkaka-alam ko eh nag sho show naraw sila sa Bubble Gang nang Siete. Nakakatuwa naman. Moymoy Palaboy pala ang pangalan nang dalawa. Sobrang nakaka aliw. Eto ang ilan sa ginawa nila. :)

Wannabe by Spice Girls




Girlfriend by Avril Lavigne


Thursday, December 4, 2008

MMK's "Cake" Starring Rustom and Gardo Verzosa

Nakakaantig talaga ang pagtatanghal nang "cake" nung minsan sa MMK. Di ko kinaya ang mga "eewwwrrr" moment nina Rustom at Gardo Verzosa. Di ako fan ni Rustom. Pero sa totoo lang, ang galing nya sa "cake" na yun nang Maalaala mo Kaya nang Dos. Talagang lutang na lutang ang kanyang galing bilang artista. Di na nga lang action pero mas me galing pala sya sa drama. Napabilib talaga ako ni Rustom.

Minsan, we are expecting people to behave the way we think na dapat silang mag behave. Gusto natin kung ano ang naiisip nating tama para sa atin, dpat ganun din yung iba. Kaya nagkakaroon nang di pagkakaunawaan. Kamukha nalang ni Rustom. Bading sya. Pero hinahamak halos nang lahat ang tao at kinukutyang dati ay badboy, ngayun ay badgirl na. Pero nararamdaman ba natin kung ano ang nararamdaman nya? Mahirap sigurong mabuhay sa standards nang iba. Ang hindi magpakatotoo para lang mapasaya natin ang iba...


Free Blogger Templates by Isnaini Dot Com and Architecture. Powered by Blogger