Saturday, December 6, 2008

Pacquiao Go Go Go!

Ngayun pala ang labanang The Dream Match nina Manny "Pacman" Pacquaio at Oscar De la Hopya este Dela Hoya. Tinaguriang "karnabal" nga raw nang taon ang labang ito dahil mula sa 106 eh umabot sa 146 ang timbang ni Pacman para lang labanan ang tinaguriang berdugo nang boxing ring na si De la Hoya. Kinakabahan na ang buong sanlibutan sa magaganap na kuningan este ratsadahan nang mga ate natin sa boxing ring wehehehe!

Sana lang eh hindi ibinenta nang bawat isa ang laban dahil tumataginting na $100 million USD ang premyo! Mantakin mo kung magkano yun sa peso! :D Pero ganun pa man, sana lang e manalo si Pacquiao dahil baka ito na ang katapusan nang kanyang boxing karir kung mabugbog sya nang bonggang bongga ni Dela Hopya aka dela hoya :(

Abangan nalang natin kung sino ang magwawagi sa kanilang dalawa. :D yun lang! :D

Friday, December 5, 2008

Moymoy Palaboy: Bubble Gang Iyotube Guys

Matakot kayo sa video na to. Di ko kinaya. Kala ko naman kasi ano. Pero nakakatawa nang sobra. Pagkaka-alam ko eh nag sho show naraw sila sa Bubble Gang nang Siete. Nakakatuwa naman. Moymoy Palaboy pala ang pangalan nang dalawa. Sobrang nakaka aliw. Eto ang ilan sa ginawa nila. :)

Wannabe by Spice Girls




Girlfriend by Avril Lavigne


Thursday, December 4, 2008

MMK's "Cake" Starring Rustom and Gardo Verzosa

Nakakaantig talaga ang pagtatanghal nang "cake" nung minsan sa MMK. Di ko kinaya ang mga "eewwwrrr" moment nina Rustom at Gardo Verzosa. Di ako fan ni Rustom. Pero sa totoo lang, ang galing nya sa "cake" na yun nang Maalaala mo Kaya nang Dos. Talagang lutang na lutang ang kanyang galing bilang artista. Di na nga lang action pero mas me galing pala sya sa drama. Napabilib talaga ako ni Rustom.

Minsan, we are expecting people to behave the way we think na dapat silang mag behave. Gusto natin kung ano ang naiisip nating tama para sa atin, dpat ganun din yung iba. Kaya nagkakaroon nang di pagkakaunawaan. Kamukha nalang ni Rustom. Bading sya. Pero hinahamak halos nang lahat ang tao at kinukutyang dati ay badboy, ngayun ay badgirl na. Pero nararamdaman ba natin kung ano ang nararamdaman nya? Mahirap sigurong mabuhay sa standards nang iba. Ang hindi magpakatotoo para lang mapasaya natin ang iba...

Sunday, November 30, 2008

Patay, Piso, at Ibapa...

Nakipag libing pala ako nung Sabado sa kaibigan ko. Pumanaw kasi ang nanay nya dahil sa sakit sa puso. Napabayaan dahil walang maibiling gamot. Nagalit ako na naawa dahil kung bakit nawala ang nanay nya, dun pa lang ako tinawagan. Di naman kami gaanong "close" pero kapag tinuring kasi akong kaibigan nang isang tao, tinatanaw ko yun nang malaking utang na loob. Ang hirap kaya humanap nang mga totoong kaibigan sa mga panahon ngayon...

First time kong sumama sa paghahatid sa huling hantungan nang isang tao. Di talaga ako nakapunta pa kahit kanino. Lamay lang ako lagi. Ewan ko ba. Pero ang dami kong na realize nung sumama ako. Ililista ko lang ha...

1. Ang hirap palang mahagisan nang barya sa mukha. Ang sakit. Yung parang gusto mong ibato ulit dun sa taong naghagis ung pera.
2. Mahirap palang mamulot nang barya sa lupa habang naglalakad kasama ang maraming tao. Ang hirap palang habulin nang karo habang lumalakad ito. Ang mas masakit pa, piso at beinte-singko ang pinupulot mo. Ang hirap! Bakit di nalang kasi PhP 20 ang ibato para hindi dyaheng pulutin diba?
3. Malayo ang tingin. Hindi naman ako ang naulila pero parang nararamdaman ko rin yung sakit. Siguro talagang super affected lang ako at malambot ang puso pero mapapaiyak karin pala habang naglalakad ka. Hindi mo nararamdaman ang mga sasakyan at ang alikabok na nalalanghap mo. Iniisp mo nalang eh ang ikli lang talaga pala nang buhay. Bakit natin sasayangin sa galit at ka-depressan ang buhay natin kung pwede naman natin itong i enjoy araw-araw?
4. Bad music. Di ko kinaya ang mga ibang music na pinapatugtog. Ang iba pang beer house, ang iba naman, super ballad na na hindi na pang patay.
5. Bad speaker. Dahil low-budgeted nga yung libing, pangit din ang service. Naisip ko, dapat ata kumuha na ako nang funeral plan. Nadadaan ba sa pera ang lahat? Kung konti ang binayad mo, pangit din ang makukuha mong service? Puro nalang ata capitalismo ang alam nating mga tao...
6. San ang Party, Ate? Napansin ko, ang daming naka skirt at con-todo bihis na mga tao. Hindi naman masama ang mag bihis nang maganda at make up, pero yung todo make up at naka skirt kapa eh para naman atang hindi akma sa libing ano? Ang iba naka pang hip-hop pa at halos sumayad sa lupa ang pantalon dahil sa luwang nito. Ang mga by-standers sa daan, halos lumuwa ang mata sa mga kasama naming naka skirt at todo-make up na girlalu. Ibang klase na talaga ang libing sa pilipinas.

Ilan lang yan sa mga na realize ko habang naglalakad kami papuntang sementeryo. Malalim ba? Nakaranas ka narin ba nang ganito? Share ka naman...

Saturday, November 8, 2008

Ang Alamat nang "L"

Haller! Na miss nyo ko no? Aminin nyo, aminin nyo! :)

Time out muna sa showbiz chismis at tayo tumira nang isang nakakatuwang kwentong barbero na naibahagi lang nang isang kaibigan sa trabaho. In fairview quezon city hindi ko kinaya ang pagtawa nang matapos nyang ikwento ito. Talaga namang nakakatuwa. Siempre naman at ilalagay ko dito sa blog ang aking sariling bersyon :)

-----

Ang Alamat nang "L"

Isang umaga, lumapit ang isang baguhang madre sa isang madre superiora dahilan sa isang problema.

Madre Newbie: Haller! Ate ala madre de superiora, di ko po kinaya ang nararamdaman kong "L" sa aking ktawan. Ano po ba ang gagawin ko?

Madre Superiora: Anak, nakakaloka naman ang problema mo. Hindi maganda yan at kailangan mong i let go ang ganyang feeling. Nakikita mo ba ang kwarto sa kanan mo? Pumasok ka dyan at sa isang bangko ay mayroong 45 kalibreng baril. Iputok mo nang minsan at mawawala na hyang "L" mo sa katawan.

Madre Newbie: Sosyalera. Go mother superior. Keri ko na sya :)

Madre Superiora: Carry! Larga go!

Kinabukasan, bumalik na naman ang newbieng madre sa opisina nang madre superiora.

Madre Newbie: Ate, grabe. "L" na naman ang lola mo. :( Ano na gagawin ko?

Madre Superiora: Anak, masama yan. Hindi angkop sa ating bokasyon ang ganyang makamundong pagnanasa.Pumasok ka ulit sa kwartong iyon at iputok mo nang dalawang beses ang 45 kalibreng baril.

Madre Newbie: Shocks, winner! :) Thanks, sis! :)

Lumipas ang ilang araw, nakaramdam na naman nang sobrang "L ang Madre Newbie at naisip nyang bumalik ulit sa opisina nang Madre Superiora. Nagtungo sya ulit sa opisina nito ngunit di nya dinatnan ito.

Naghintay siya nang minuto at nang di na sya makapag hintay sa sobrang "L" nagdesisyon sya na magbalik sa silid na may 45 kalibreng baril at iputok na lamang ito nang tatlong beses para mawala nang tuluyan ang kanyang pagka "L"

Daglian nyang binuksan ang silid at halos maloka sya sa kanyang nakita!: Halos himatayin sya nang makita nya ang madre superiora na tinatadtad nito nang bala nang armalayt ang pader nang kwarto! :D wehehehe!

Saturday, October 25, 2008

Claudine at Angel, Magkaaway!

Magugulantang ka talaga sa mga intrigang nakakaloka at talaga namang nakakaiyak. Itong palang si Angel na co-endorser nang Folded ang Hung (F&H) nang lola nyong si Claudine ay hindi nakasipot sa Folded and Hung (F&H) Fashion show na ginanap sa A Venue sa Makati nung October 23. Lalo tuloy uminit ang issue na kinikimkim parin nang bawat isa ang dati na nilang tampuhan at tarayan.

Nilinaw naman ni Angel at Claudine na hindi ito tungkol sa issue na anilaĆ½ matagal nang naayos kundi dahil sa mahigpit na schedule nang lola nyong Angel. Nakapagtataka lang kung bakit sa nasabi pang date hindi pwedeng rumampa si Angel to think eh Ikasampung Taon itong anibersaryo nang pagkakatatag nang F&H. Mapapaisip ka talaga diba?

Pero ganun paman, ok naman daw ang relasyon nang dalawang artista. Hindi nga lang talaga daw makadalaw ang dalagang si Angel dahil nag sho-shooting daw sa pelikula nila ni Piolo na Land Down Under na maaring ipalabas sa huling linggo nang buwan nang Nobyembre.

Nakaka excite naman at hangga ngayun ay hindi mamatay matay ang tambalan nang lolo nyong si Piolo at Angel. Kasabay nito ay ang paglabas na nang issue na hiwalay narin sila ni Luis Manzano na anak ni Ate Vi. O diba? Pero pinabulaanan ito ni Angel at sinabing OK naman daw silang dalawa. Nakakaloka di ba? Yung parang kinontra ko nalang nang kinontra ang sarili ko? hehehe! :D Yun lang!

Friday, October 24, 2008

Nanay at Kapatid ni Jennifer Hudson, Chugi!

Kung nanonood kayo nang American Idol, siguradong makikilala nyo ang lola nyong si Jennifer Hudson. Nakakaawa naman talaga ang nangyari sa kanyang pamilya dahil patay ang kanyang 57 anyos na ina, Darnell Donerson, at ang kanyang 29 anyos na kapatid na si Jason Hudson.

Domestic abuse daw ang posibleng motibo nang krimen habang pinaghahanap pa ang bayaw niyang si William Balfour na kasal sa kanyang kapatid na babae na si Julia. Nag-issue na nang Amber King alert ang mga kinauukulan para mahanap ang nawawalang batang si Julian King, na anak nina Julia at William.

Nakakatakot at nakakasindak ang mga pangyayari ngayon sa Hollywood kung saan ang mga malalaking bituin ay nasasangkot sa droga, hiwalayan at krimen. Ipagdasal nalang natin na agad makarecover si Jennifer Hudson at madakip na kung sino man ang walang-awang pumasyal sa kanyang ina at kapatid. Iba na talaga ang panahon ngayon.

Saturday, October 18, 2008

Cristy Fermin: Paninindigan Ang Mga Sinabi Laban Kay Nadia Montenegro

Napansin nyo ba talagang walang urungan ang drama ni Cristy Fermin sa mga sinabi niya kay Nadia Montenegro? Parang tuloy gusto ko nang maniwala sa mga sinasabi nya. 


Ipinahayag ni Cristy sa kanyang kolum sa isang tabloid kamakailan lang na hindi nya babawiin ang mga salitang binitawan nya laban kay Nadia Montenegro. Humihingi rin sya nang paumandin sa ABS-CBN ukol sa mga paglabag sa mga alituntunin na nakasaad sa kanyang kontrata at kasabay nitoy ang panandalian nyang pamamaalam sa kanyang kolumn at ma programa sa radyo at telebisyon dahil sa kanyang dalawang buwang suspensyon. 

Naghanap ako ng transcript nang awayang Nadia at Cristy na nangyari sa ere noong October 5 at eto nakakita ako. Nabasa ko ito sa pep.ph so maghanda na kayo sa mga nakakagulat na rebelasyon!

Friday, October 17, 2008

Awayang Nadia Montegro at Cristy Fermin

2 months daw na suspendido ang kontrobersyal na talk show host na si Cristy Fermin dahil sa mga pahayag na ginawa nya laban kay Nadia Montenegro na di umanoĆ½ nanganak sa Tate dalawang taon na ang nakakaraan.

Ayon kay Cristy Fermin, naanakan daw ni Baron Geisler si Nadia Montenegro at yun ang batang isinilang nya sa ibang bansa. Si Cristy Fermin ay anchorperson sa Radio show na Showbiz Mismo at weekly showbiz-oriented talk show na The Buzz na kinabibilangan ni Kris Aquino at Boy Abunda.

Nakakatakot isipin na ang batang si Baron Geisler ay papatol sa isang parang nanay na rin nya. Kaya di ko lubos maisip na ang anak na sinasabi ni Cristy Fermin na iniluwal ni Nadia Montenegro dalawang taon na ang nakakalipas ay kay Baron talaga. Scary thoughts!

October 5, 2008 ang episode sa The Buzz na kung saan duon inisiwalat ni Cristy Fermin ang kanyang mga paratang kay Nadia Montenegro. Bakit ganoon nalang ang galit ni Cristy Fermin kay Nadia? Anong meron? O baka ganoon nalang talaga siguro ang Cristy na yan. Mahilig lang talagang gumawa nang eksena? Pero kung iisipin mo, sa lahat nang mga chismis na naglalabasan tungkol sa isang artista, after a  year or two, malalaman mo nalang na totoo pala...a lesson learned for Cristy Fermin...

---
Soloden
FoodTrip
PSC

Thursday, October 16, 2008

Rustom: Reyna nang mga Kunesa

Di ko na talaga mapigilan at kailangan ko na itong isulat at ibulalat sa publiko ang tinatago kong lihim tungkol kay Rustom. Actually kami na...kami na ang bubuntal sa kanya! Sobra kasing ganda nya! Nakakainggit diba? Yun para bang mas maganda pa sya sa mga totoong babae hehehe! :D

Napapag usapan na pala kasi sa office yung tungkol sa anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel. Nung kasing mga bata-bata pa kami, siguro mga high-school ata, diko na matandaaan, eh nakipaghiwalay ang lola mong Carmina kay Rustom dahil sa isyu nang kabadingan. Tandang tanda ko pa nang magpatawag nang press conference si Carmina at umiiyak syang umamin sa publiko tungkol sa pagkatao ni Ate Rustom.

Nakakapanghinayang naman kasing isipan na ang dating batikang action at drama star eh isa nang dakilang shokella. Na ang kanyang dating ningning bilang magaling na actor ay nabahiran nang kabadingan.

Nung minsang lumabas sya sa TV dahil sa taunang parangal sa mga artista (Gawad Urian kung hindi ako nagkakamali), lumabas si Ate Rustom na nakadamit pang-babae. In fairness naman sa lola mo at talaga namang maganda sya. Isa syang Diosa. Diosa nang mga kuning dahil sa kanyang kagandahan. Pagkatapos noon ay sya namang paglabas nang mga usap-usapan sa kalye tungkol sa anak ni Zoren at Carmina na ang mga anak ni Carmina ay tunay na anak ni Rustom at inako nalang ni Zoren ang pagpapalaki sa mga ito.

Na-intriga ako at halos mahuli ako sa trabaho dahil sa kachismisan. Nakinig ako sa mga balita sa aming kalye. At sya namang pagbalita ko sa aming oficina para me mapag usapan. Diko alam kung totoo ang balitang yon pero talagang na intriga ako. Katulad na lamang nang pagka intriga ko sa pagkakaroon daw nang anak ni Baron kay Nadia Montenegro na halos nanay na nya. Kakatakot diba?

Kaya umalis ako sa showbiz...dahil sa intriga. di kinaya nang sistema ko hehehe. :D Mga friends, me katotohanan ba ang balitang itich? Totoo bang anak ni Rustom ang mga anak nila ni Zoren at Carmina?! Sagot!!!!


---

Wednesday, October 15, 2008

Bakit Maraming Kuning/Bading/Badaf, Shoke Sa Call Center?

Yan ang tanong sakin nang kaibigan ko. Kairita diba? Parang gusto kong sungal-ngalin ang bibig! Pero dahil kaibigan ko sya, sinagot ko...=D

"Ito lang ang pinakamagandang environment halos sa kanila dito sa pinas para mag grow. Kaya tumahimik kana!" Eh di natahimik. Hehehe. Kidding aside, ang dami dami talagang mga kunesa sa call center. Hindi lang dahil maganda ang sweldo, ito kasi ang pinakamagandang avenue para sa mga Dakilang shoke para makapag trabaho nang mahusay na protektado nang isang magandang ethical na polisiya.

Sa call center kasi, bawal ang pag didiskusyon tungkol sa relihiyon, pananaw sa pulitika, sexual orientation at kung ano-ano pa. Hindi ba magandang environment yon para mag grow at maipakita mo kung ano meron ka. Masyado kasing competitive ang environment sa mga call centers kaya nagsisiksikan sila roon. And mind you, ang mga executives sa mga malalaking kumpanya eh mga Cherie pie picache ang drama (tama ba spelling?)

Isa pa, karamihan kasi sa mga bading eh magagaling mag ingles at halos boses babae. Mukhang sapatos pero kung magsalita parang isang magandang dilag."Yes, Ma'am" nang dilag."Yes, Ma'am" ang isang tumatawag habag kausap ang kuning. Kakatuwa diba?

Atsaka isa pa pala, wala na halos matinong trabaho ngayon. Magturo ka tingnan ko lang kung di mangungulot ang natural mong straight na buhok. Mangungulot ka sa gutom =D. Ang baba kaya nang sweldo nang mga guro ngayon. Kaya nag ta tyaga nalang ang mga guro ngayon na mag call center narin dahil sa hirap nang buhay.

Meron nga akong kaklase noon. Baklita. Mukhang alpombra ang mukha sa gaspang. Nung nagcall center, aba, kamukha na nya si Marian Rivera ("Byutipooooolll", "Smooooooder"). Di pa ako tapos, wag kayo mag panic. Mukha na syang "paa". Oo, Paa. Paa ni Marian. =D Dati 7k lang ang sweldo nya sa pagtuturo nang Ingles. Ngayon, halos apat na beses ang tinaas nang sahod nang lola nyo. Kaya maganda na sya.

Masisisi nyo ba ang mga kuning kung bakit andyan sila sa call center? Sa call center, magaling ka lang mag ingles at me kakapalan ang mukha mo, pasok kana sa banga! Kering keri mo nang rumampa sa floor at mag slide-slide sa rainbow.

Kapagod palang mag blog sa tagalog. napagod ako sa kaka pindot sa A. hehehe. Test lang to. Delete ko nalang kapag nag ka issue hehehe. Salamat sa pagbisita! :)


---


Free Blogger Templates by Isnaini Dot Com and Architecture. Powered by Blogger