Saturday, November 8, 2008

Ang Alamat nang "L"

Haller! Na miss nyo ko no? Aminin nyo, aminin nyo! :)

Time out muna sa showbiz chismis at tayo tumira nang isang nakakatuwang kwentong barbero na naibahagi lang nang isang kaibigan sa trabaho. In fairview quezon city hindi ko kinaya ang pagtawa nang matapos nyang ikwento ito. Talaga namang nakakatuwa. Siempre naman at ilalagay ko dito sa blog ang aking sariling bersyon :)

-----

Ang Alamat nang "L"

Isang umaga, lumapit ang isang baguhang madre sa isang madre superiora dahilan sa isang problema.

Madre Newbie: Haller! Ate ala madre de superiora, di ko po kinaya ang nararamdaman kong "L" sa aking ktawan. Ano po ba ang gagawin ko?

Madre Superiora: Anak, nakakaloka naman ang problema mo. Hindi maganda yan at kailangan mong i let go ang ganyang feeling. Nakikita mo ba ang kwarto sa kanan mo? Pumasok ka dyan at sa isang bangko ay mayroong 45 kalibreng baril. Iputok mo nang minsan at mawawala na hyang "L" mo sa katawan.

Madre Newbie: Sosyalera. Go mother superior. Keri ko na sya :)

Madre Superiora: Carry! Larga go!

Kinabukasan, bumalik na naman ang newbieng madre sa opisina nang madre superiora.

Madre Newbie: Ate, grabe. "L" na naman ang lola mo. :( Ano na gagawin ko?

Madre Superiora: Anak, masama yan. Hindi angkop sa ating bokasyon ang ganyang makamundong pagnanasa.Pumasok ka ulit sa kwartong iyon at iputok mo nang dalawang beses ang 45 kalibreng baril.

Madre Newbie: Shocks, winner! :) Thanks, sis! :)

Lumipas ang ilang araw, nakaramdam na naman nang sobrang "L ang Madre Newbie at naisip nyang bumalik ulit sa opisina nang Madre Superiora. Nagtungo sya ulit sa opisina nito ngunit di nya dinatnan ito.

Naghintay siya nang minuto at nang di na sya makapag hintay sa sobrang "L" nagdesisyon sya na magbalik sa silid na may 45 kalibreng baril at iputok na lamang ito nang tatlong beses para mawala nang tuluyan ang kanyang pagka "L"

Daglian nyang binuksan ang silid at halos maloka sya sa kanyang nakita!: Halos himatayin sya nang makita nya ang madre superiora na tinatadtad nito nang bala nang armalayt ang pader nang kwarto! :D wehehehe!

1 comments:

Yesha said...

nyahahahahahaha. mga L. luka-luka. lol.


Free Blogger Templates by Isnaini Dot Com and Architecture. Powered by Blogger