Wednesday, October 15, 2008

Bakit Maraming Kuning/Bading/Badaf, Shoke Sa Call Center?

Yan ang tanong sakin nang kaibigan ko. Kairita diba? Parang gusto kong sungal-ngalin ang bibig! Pero dahil kaibigan ko sya, sinagot ko...=D

"Ito lang ang pinakamagandang environment halos sa kanila dito sa pinas para mag grow. Kaya tumahimik kana!" Eh di natahimik. Hehehe. Kidding aside, ang dami dami talagang mga kunesa sa call center. Hindi lang dahil maganda ang sweldo, ito kasi ang pinakamagandang avenue para sa mga Dakilang shoke para makapag trabaho nang mahusay na protektado nang isang magandang ethical na polisiya.

Sa call center kasi, bawal ang pag didiskusyon tungkol sa relihiyon, pananaw sa pulitika, sexual orientation at kung ano-ano pa. Hindi ba magandang environment yon para mag grow at maipakita mo kung ano meron ka. Masyado kasing competitive ang environment sa mga call centers kaya nagsisiksikan sila roon. And mind you, ang mga executives sa mga malalaking kumpanya eh mga Cherie pie picache ang drama (tama ba spelling?)

Isa pa, karamihan kasi sa mga bading eh magagaling mag ingles at halos boses babae. Mukhang sapatos pero kung magsalita parang isang magandang dilag."Yes, Ma'am" nang dilag."Yes, Ma'am" ang isang tumatawag habag kausap ang kuning. Kakatuwa diba?

Atsaka isa pa pala, wala na halos matinong trabaho ngayon. Magturo ka tingnan ko lang kung di mangungulot ang natural mong straight na buhok. Mangungulot ka sa gutom =D. Ang baba kaya nang sweldo nang mga guro ngayon. Kaya nag ta tyaga nalang ang mga guro ngayon na mag call center narin dahil sa hirap nang buhay.

Meron nga akong kaklase noon. Baklita. Mukhang alpombra ang mukha sa gaspang. Nung nagcall center, aba, kamukha na nya si Marian Rivera ("Byutipooooolll", "Smooooooder"). Di pa ako tapos, wag kayo mag panic. Mukha na syang "paa". Oo, Paa. Paa ni Marian. =D Dati 7k lang ang sweldo nya sa pagtuturo nang Ingles. Ngayon, halos apat na beses ang tinaas nang sahod nang lola nyo. Kaya maganda na sya.

Masisisi nyo ba ang mga kuning kung bakit andyan sila sa call center? Sa call center, magaling ka lang mag ingles at me kakapalan ang mukha mo, pasok kana sa banga! Kering keri mo nang rumampa sa floor at mag slide-slide sa rainbow.

Kapagod palang mag blog sa tagalog. napagod ako sa kaka pindot sa A. hehehe. Test lang to. Delete ko nalang kapag nag ka issue hehehe. Salamat sa pagbisita! :)


---

0 comments:


Free Blogger Templates by Isnaini Dot Com and Architecture. Powered by Blogger