Sunday, November 30, 2008

Patay, Piso, at Ibapa...

Nakipag libing pala ako nung Sabado sa kaibigan ko. Pumanaw kasi ang nanay nya dahil sa sakit sa puso. Napabayaan dahil walang maibiling gamot. Nagalit ako na naawa dahil kung bakit nawala ang nanay nya, dun pa lang ako tinawagan. Di naman kami gaanong "close" pero kapag tinuring kasi akong kaibigan nang isang tao, tinatanaw ko yun nang malaking utang na loob. Ang hirap kaya humanap nang mga totoong kaibigan sa mga panahon ngayon...

First time kong sumama sa paghahatid sa huling hantungan nang isang tao. Di talaga ako nakapunta pa kahit kanino. Lamay lang ako lagi. Ewan ko ba. Pero ang dami kong na realize nung sumama ako. Ililista ko lang ha...

1. Ang hirap palang mahagisan nang barya sa mukha. Ang sakit. Yung parang gusto mong ibato ulit dun sa taong naghagis ung pera.
2. Mahirap palang mamulot nang barya sa lupa habang naglalakad kasama ang maraming tao. Ang hirap palang habulin nang karo habang lumalakad ito. Ang mas masakit pa, piso at beinte-singko ang pinupulot mo. Ang hirap! Bakit di nalang kasi PhP 20 ang ibato para hindi dyaheng pulutin diba?
3. Malayo ang tingin. Hindi naman ako ang naulila pero parang nararamdaman ko rin yung sakit. Siguro talagang super affected lang ako at malambot ang puso pero mapapaiyak karin pala habang naglalakad ka. Hindi mo nararamdaman ang mga sasakyan at ang alikabok na nalalanghap mo. Iniisp mo nalang eh ang ikli lang talaga pala nang buhay. Bakit natin sasayangin sa galit at ka-depressan ang buhay natin kung pwede naman natin itong i enjoy araw-araw?
4. Bad music. Di ko kinaya ang mga ibang music na pinapatugtog. Ang iba pang beer house, ang iba naman, super ballad na na hindi na pang patay.
5. Bad speaker. Dahil low-budgeted nga yung libing, pangit din ang service. Naisip ko, dapat ata kumuha na ako nang funeral plan. Nadadaan ba sa pera ang lahat? Kung konti ang binayad mo, pangit din ang makukuha mong service? Puro nalang ata capitalismo ang alam nating mga tao...
6. San ang Party, Ate? Napansin ko, ang daming naka skirt at con-todo bihis na mga tao. Hindi naman masama ang mag bihis nang maganda at make up, pero yung todo make up at naka skirt kapa eh para naman atang hindi akma sa libing ano? Ang iba naka pang hip-hop pa at halos sumayad sa lupa ang pantalon dahil sa luwang nito. Ang mga by-standers sa daan, halos lumuwa ang mata sa mga kasama naming naka skirt at todo-make up na girlalu. Ibang klase na talaga ang libing sa pilipinas.

Ilan lang yan sa mga na realize ko habang naglalakad kami papuntang sementeryo. Malalim ba? Nakaranas ka narin ba nang ganito? Share ka naman...

2 comments:

dylan said...

lolz! nakakita nako nung gumugulong gulong na barya at hinabahol ng isang tanod.. wawa nga eh..:(

Anonymous said...

oo nga. :( grabe. nakaka trauma. :(


Free Blogger Templates by Isnaini Dot Com and Architecture. Powered by Blogger