Thursday, December 4, 2008

MMK's "Cake" Starring Rustom and Gardo Verzosa

Nakakaantig talaga ang pagtatanghal nang "cake" nung minsan sa MMK. Di ko kinaya ang mga "eewwwrrr" moment nina Rustom at Gardo Verzosa. Di ako fan ni Rustom. Pero sa totoo lang, ang galing nya sa "cake" na yun nang Maalaala mo Kaya nang Dos. Talagang lutang na lutang ang kanyang galing bilang artista. Di na nga lang action pero mas me galing pala sya sa drama. Napabilib talaga ako ni Rustom.

Minsan, we are expecting people to behave the way we think na dapat silang mag behave. Gusto natin kung ano ang naiisip nating tama para sa atin, dpat ganun din yung iba. Kaya nagkakaroon nang di pagkakaunawaan. Kamukha nalang ni Rustom. Bading sya. Pero hinahamak halos nang lahat ang tao at kinukutyang dati ay badboy, ngayun ay badgirl na. Pero nararamdaman ba natin kung ano ang nararamdaman nya? Mahirap sigurong mabuhay sa standards nang iba. Ang hindi magpakatotoo para lang mapasaya natin ang iba...

0 comments:


Free Blogger Templates by Isnaini Dot Com and Architecture. Powered by Blogger